February 17, 2015

Sukli

isang linggo na
isang linggo nang dinadala ang bigat ng konsensya
konsensyang minsa'y natatakpan ng galit
galit na naging dahilan ng pagbitaw

kagabi,
nailabas ng hindi sinasadya
parang ilog ang luha na di mapigilan ang pagdaloy
sino may kasalanan?
si ate sa tindahan na binawi ang biniling redhorse
binawi kasi walang panukli
putang ina
walang panukli

loko.

-O21715Z

0 comments:

Post a Comment